Chapter 10: Ang Kalikasan ng Diyos at ng Tao

“Nang matapos magkasala si Adan at Eba ay ganito ang sinabi ng Diyos sa GENESIS 3:22 at sinabi ng Diyos (sa kanyang mga Anghel), narito ang tao naging PARANG ISA SA ATIN na nakakakilala ng Mabuti at Masama.”

AKING PAG-UNAWA:

“Kung bakit nasabi ito ng Panginoong Diyos, na mula nang magkasala ang tao ay naging parang katulad na sa kanila, iyan at dahil sa nabuksan na ang pag-iisip ng Tao sa lahat ng bagay. Mabuti man o masama. At dahil sa nabuksan na ang kanyang pag-iisip, kaya siya naging “inventor” o co-creator ng Diyos.

“Kung ang Diyos ay naglalang ng mga ibon sa kalawakan, ang naman ay gumawa rin ng mga eroplano. Kung ang Diyos ay naglalang ng mga hayop sa lupa, ang tao naman ay gumawa rin ng sasakyang panlupa. Kung ang Diyos ay naglalang ng mga isda, ang tao naman ay naglalang rin ng mga sasakyang pantubig. At kung ang Tao ay lalang ng Diyos, ang tao naman ay gumawa rin ng robot. At marami pang ginawa ang Diyos na naging co-creator Niya ang tao. Ngunit kung ang Diyos ay naglalang nang lahat ng bagay sa maka-Diyos na paraan na ibig sabihin wala Siyang kinuhaang materyal, ang tao naman ay makakagawa lamang ng mga bagay na lalang na ng Diyos (makataong paraan).”

“Ngunit ang lahat nang bagay na nilalang ng Diyos ay nalalang lamang Niya sa pamamagitan ng paggamit Niya ng Kanyang pinakamataas na karunungan at pinakamataas na kapangyarihan.

“Ganoon din ang tao. Makakagawa lamang ang tao ng mga bagay na gusto niyang gawin sa pamamagitan ng paggamit niya ng kanyang karunungan at kanyang kapangyarihan. Ang karunungan ng tao ay ang salita (word) na dumadaan sa puso at utak. Ang karunungan ng tao na nasa utak, ang kanyang damdamin na nasa puso ang nagtuturo at nagtutulak sa tao na gawin ang mga bagay na gusto niyang gawin. Ang karunungan ng tao ay ang Salita (word) na nagrerehistro sa kanyang utak or pag-iisip. Ito ang nagpaplano nang lahat ng bagay na gusto ng tao gawin. At ang kapangyrihan naman ng tao, ay ang tinatawag na kanyang senses. Ang senses ang gumagawa ng mga bagay na ayon sa inuutos ng kanyang karunungan na nasa utak. Isa lamang sa dalawang ito ang wala, hindi na magagawa ng tao ang ano mang bagay na gusto niyang gawin. Gaano man kataas ang karunungan na nasa kanyang utak, kung wala naman siyang senses ay wala siyang silbi. Dahil ang senses ang kapangyarihan ng tao na makakita, makaamoy, makarinig, makakilos, at makaramdam. Ganoon din ang senses, gaano man kalinaw ang kanyang pakiramdam ay wala rin silbi kung ang utak at puso na dinadaanan ng karunungan ay hindi gumagana.

“Kaya magkaiba man ang trabaho ng karunungan at senses ay magkapantay naman sila ng kalikasan.”

At hindi sila tatlo ng tao, kundi iisa sa kabuoan ng tao.

“Ganoon din ang Diyos. Ang nasa Anak na kanyang karunungan at ang Espiritu Santo na kanyang Kapangyarihan ay magkapantay. Sa FILIPOS 2:6 nagsasabi: Hesu Kristo (Anak) ay pantay sa Diyos. At hindi sila tatlong Diyos, kundi kabuoan ng nag-iisang Diyos.

TANONG:

“Bakit kung minsan ang Panginoon (Anak) nagsasalita na kung unuwain mo ay Siya talaga ang Ama (Diyos)? At kung minsan naman may mga salita Siya na kung uunawain mo ay tao lang Siya talaga?”

Abangan sa susunod na kabanata…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s